November 3, 2024

MCAC OFFICIALS GAGAWIN ANG LAHAT PARA PIGILAN COVID-19

CLARK FREEPORT – Kamakailan lang ay nilagdaan ng mga miyembro ng Metro Clark Advisory Council (MCAC) ang isang resolusyon na nagpapatunay sa kanilang pangako na magkakasamang magtatrabaho upang pigilan ang COVID-19 sa Freeport na ito at sa mga nakapaligid na mga komunidad.

Ipinasa ng mga opisyal at miyembro ng MCAC ang MCAC Resolution No. 2 series of 2021 na nagpapatibay sa kanilang unified approach sa pag-manage ng COVID-19 sa Metro Clark areas.

Si Clark Development Corporation (CDC) President and CEO Manuel R. Gaerlan ang nagsisilbing chairman ng council kasama si Mabalacat City Mayor Crisostomo bilang Co-Chairman. Ang iba pang miyembro ng MCAC ay kinabibilangan nina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin, Jr., Porac Mayor Jaime Capil, Capas Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan at Bamban Tarlac Mayor Jose Antonio Feliciano.

Ayon sa resolusyon, palalakasin ng state-owned corporation at nakapalibot na Local Government Units (LGUs) ang kanilang koordinasyon upang matiyak na angkop at maiuulat kaagad ang mga COVID-positive workers.

Dapat ding abisuhan ng CDC Health and Sanitation Division (HSD) ang concern ng LGU kung saan nakatira ang COVID positive employee at iorganisa  ang in-zone cases sa siyudad o municipal health officials ng concerned LGU. Paiigtingin din ang contact tracing efforts sa bahagi ng mga LGU.