NAGSIMULA na ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian sa pamamahagi ng libreng school kit sa mga mag-aaral ng Marulas Central School at Malinta Elementary School, bilang bahagi ng paghahanda sa darating na pasukan.

BASAHIN: OPLAN BALIK-ESKWELA NG QCPD, KASADO NA
Nasa 78,453 Kabataang Valenzuelano mula Kinder hanggang Grade 6, kabilang ang mga mag-aaral sa Special Needs Education, ang makatatanggap ng de-kalidad na school supplies na naglalaman ito ng mga pangunahing school supply gaya ng lapis, ballpen, notebook, ruler, at textbook, na may kasamang lunch box, tumbler, at backpack. (JUVY LUCERO)
