November 24, 2024

MAYOR TIANGCO BINATI ANG IKA-12TH DRUG-CLEARED BARANGAY SA NAVOTAS

PERSONAL na inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang mga representative mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police–Navotas, ang drug-cleared certificate kay Alvin Oliveros, Daanghari barangay chairperson matapos idiklara ng PDEA ang Brgy. Daanghari na pang-12th drug cleared barangay sa Navotas City. (JUVY LUCERO)

BINATI at pinuri ni Mayor Toby Tiangco ang Brgy. Daanghari sa pagiging 12th barangay sa Navotas na idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inabot ni Tiangco, kasama ang mga representative mula sa PDEA at Philippine National Police–Navotas, ang drug-cleared certificate kay Alvin Oliveros, Daanghari barangay chairperson.

“Despite the challenges of the pandemic, Navotas continued its relentless campaign against illegal drugs to keep every Navoteño safe,” pahayag niya.

“We are thankful to all officials and constituents of Brgy. Daanghari for working hand-in-hand to uphold peace and order in our community,” dagdag niya. 

Ang mga Barangay na napanatili ang kanilang drug-cleared status ay kinabibilangan ng Bagumbayan North; Bangkulasi; Navotas East at Navotas West; North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan, NBBS Proper at NBBS Kaunlaran; San Rafael Village; Sipac-Almacen; Tanza I at Tanza II.

Para maging drug-cleared ang isang barangay, dapat may ginagawang karampatang sa mga drug personalities na nasa unified watchlist, may drug-free workplace, mga barangay opisyal na aktibong nagsusulong ng anti-drug campaign at iba pa.  

“The support of our constituents is vital in our anti-drug campaign. Please continue to report to TXT JRT any suspicious individuals or activities. Let us continue to be vigilant and win this fight together,” dagdag ni Tiangco.

Ang Navotas ay mayroong community-based treatment and rehabilitation program na tinatawag na Bidahan, kabilang ang rehabilitation and counseling, at aftercare program na tumatakbo nang anim at 18 na buwan, respectively.