PINURI ni Mayor Honey Lacuna ang Manila Police-District-District Drug Enforment Unit (MPD-DDEU) sa ilalim ng pamumuno ni MPD Director PBGen. Andre Dizon sa pagkakasamsam ng 1.2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8 milyon sa nangyaring drug operation sa Sta. Cruz, Manila.
Nagbabala rin ang alkalde na walang puwang ang droga sa siyudad ng Maynila.
Iniharap ni Dizon ang suspek, na kinilalang si Yasser Hadji Noor, sa naturang alkalde matapos itong maaresto sa panulukan ng P. Guevarra at Remigio Street sa Sta. Cruz.
Pinasalamatan ni Lacuna si Dizon at ang MPD-DDEU na pinamunuan ng team leader nito na si PSMS Jonathan Acido at ang kanyang walong team members na nagsagawa ng nasabing operasyon kung saan nasabat ang milyong halaga ng droga.
Nabatid na nagresulta ang operasyon sa mahabang surveillance kaugnay sa illegal na aktibidades ng suspek.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek sa Manila Prosecutor’s Office. ARSENIO TAN
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO