November 23, 2024

MAYOR BELMONTE HINIMOK MGA RESIDENTE NA UGALIIN ANG WASTONG PAGTATAPON NG BASURA

NANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente nito na sanayin na magsagawa na tamang waste management habang patuloy ang pagkolekta ng pamahalaang lungsod sa mga basura ng waterwas ng siyudad.

Base sa ulat ng  City’s Task Force on Solid Waste Management (TFSWM), mula Enero hanggang  Abril 2021, nakakolekta ang lokal na pamahalaan ng may 810,000 kilo ng basura mula sa  20 creeks na nag-uugnay sa QC.

“We have been able to implement major improvements to our city’s waste management system, even during this pandemic. Let us continue to support this effort. Isa pa, huwag po natin payagan ang pagtatapon ng kahit anung dumi o basura sa ating mga waterways.” pahayag ni Mayor Belmonte.

Anya ang tamang sistema sa pagtatapon ng basura  ay may malaking tulong para maiwasan ang mga pagbaha lalo na sa panahon ng tag- ulan.

“Simula pa lang ay sinisigurado na ng lungsod at ng mga barangay na nase-segregate nang maayos ang ating mga basura. Success stories such as those being implemented in Bgy Lagro, Bgy Blue Ridge A and B as well as many other barangays in our city demonstrate how well our system can work. Magtulungan po tayo para mas maayos nating ma-implement ang tamang waste management,” dagdag ni Mayor Belmonte.