Agad itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 3 ang Mayon volcano, ilang araw lamang matapos itong ilagay sa alert level 2.
Bunsod ito ng dumaraming naobserbahang abnormalidad ng bulkan sa nakalipas na mga araw.
“DOST-Phivolcs is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 3,” saad ng kalatas mula sa ahensya.
Ayon sa Phivolcs, ang pagtataas nila ng alerto ay upang bigyan ng babala ang publiko sa posibleng phreatic eruptions o hazardous magmatic eruption.
Una rito, nakita sa aerial survey na patuloy ang paglaki ng lava dome sa crater ng bulkan.
Nakita pa sa occular inspection nina resident volcanologists Dr. Paul Alanis at Albay Provincial Safety and Emergency Management Officer Dr. Cedric Daep ang bagong mga labas na lava dahilan ng paglaki ng lava dome.
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON