September 16, 2024

MAYMAY ENTRATA, PRIORITY ANG CAREER KAYSA LOVE LIFE

MUKHANG hanggang screen partner na lamang ang relasyon niya ngayon sa kanyang boyfriend na si Edward Barber dahil hindi niya na mimiss ang binatang actor. May kakaiba kayang nangyayari sa kanilang relasyon sa ngayon? O baka naman hanggang love team na lamang ang sitwasyon nila dahil sa dami ng gusto nilang patunayan.

“Iyang tungkol sa aking love life, andyan lang iyan, hindi naman lumalayo. Hahanapin ko na lang muna ang aking sarili sa ngayon. Isa pa, bata pa naman ako. 23 lang ako ngayon, at alam kong marami pa akong mararating sa aking showbiz career. Punuin ko muna sarili ko ng pagmamahal sa Dios, kasi nga ang Dios ay pag-ibig.

“Sa ngayon priority ko muna ang aking career. Dami ko pang pangarap na gustong maabot. Hindi naman sa ayaw kong umibig at mahalin. Iba kasi kung narating mo ‘yong mga pangarap na gusto mong makamit. Kaya mag-pokus muna talaga ako, ang love kasi andyan lang. Mahirap kung uunahin ko iyan, tapos walang career ay hindi ako ganoon.

“Lalo na ngayong nagsara ang TV Network namin na kinabibilangan, siguro ang atupagin ko muna ay ang takbo ng aking career. Wala pa kaming plano kung lilipat, basta ang mahalaga sa amin sa ngayon ay ang loyalty namin sa ABS-CBN na naglagay sa amin sa tagumpay. Kung may lipatan mang mangyayari, may basbas iyon ng Kapamilya Network,” saad pa niya.