May 3, 2024

May naglagay ng live rounds sa baril, ALEC BALDWIN, SINABOTAHE

LOS ANGELES — Sinabotahe si Alec Baldwin kaugnay sa shoot ng pelikulang ‘Rust’. Ito ang pahayag ng lawyer na may naglagay ng live round sa baril na ginamit ng aktor. Kung kaya, aksidente nitong nabaril ang cinematographer.


Ayon kay Jawson Bowles, abogado ni Hannah Gutierrez, paniwala ang huli na dummy runds lang ang nakakarga sa baril. Imposible aniya na may maglagay nun ng real bullets. Kahit na ito’y kagaya ng sa dummies.

Subalit, hindi maiaalis na may gumawa nga ng pananabotahe. Si Bowles ay katiwala rin sa mga sandatang ginagamit sa sa pelikula.


We’re afraid that could have been what happened here, that somebody intended to sabotage this set with a live round intentionally placed in a box of dummies,” ani Bowles sa “Good Morning America.”


We’re not saying anybody had any intent there was going to be a tragedy of homicide.”
‘But they wanted to do something to cause a safety incident on set. That’s what we believe happened,
aniya.