May pag-asa pa ba ang Los Angeles Lakers sa 2021-22 NBA Season play-offs? Sa ngayon ay ay nasa 11th seed ang LA matapos matalo sa Utah Jazz.
Ga-monggong nakikipagpatintero sa San Antonio Spurs sa huling baraha sa 10th seed. Sa bagong rule ng NBA, maglalaban ang 7th seed sa 8th. Tapos ang 9th sa 10th. Ang mananalo ang siyang pasok sa play-offs.
Bagamat may ilang nagtaas ng kilay sa bagong panuntunan, tila may magandan epekto ito. Dahil may pag-asa pang makapasok ang nasa 10th seed.
Sadyang nasa balag ng alanganin ang Lakers. Disaster talaga sa kanila ang season na ito. Pero, kung maipapanalo nila ang 5 sa huli nilang laro, makapapasok sila kahit sa 9th o 10th. Kung hindi, babay na sa play-offs at better luck next season na lang.
KARAMBOLA ANG SPOT SA EASTERN CONFERENCE AT ANG DESTINY NG NETS
Magulo rin at salo-salo ang spot sa isang seed ang wisyo sa Eastern Conference. Tatlong team ang magkakasalo sa iisang spot. Ito ay ang Brooklyn Nets, Charlotte Hornets at Atlanta Hawks. Kapit-lubid ang tatlo sa 8th spot.
Ang 1st hanggang 4th seed naman ay gahibla lang din ang deperensiya. Isang talo at panalo lang ng bawat isa, malaki ang epekto sa standings.
Speaking of Brooklyn Nets, kahit talo sila sa Bucks kanina, ok lang kay Durant. May bala pa sila at hindi basta-basta malalaglag.
Baka makasilat pa rin sila gaya ng nangyari noong 1999 playoffs. Kung saan, pumalaot sa Finals ang New York Knicks (8th seed). Kaya, huwag magpakampante ang ilang teams sa East. Bilog ang bola.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!