April 29, 2024

MAVY LEGASPI, TANGGAP NG WALA NA SILA NI KYLINE ALCANTARA

NAGING magulo na rin ang relasyon nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, nauwi nga iyon sa hiwalayan at hindi na nga sila nagkabalikan pa.

Sa ngayon, tanggap na ni Mavy Legaspi na wala na sa buhay niya si Kyline Alcantara. Dahil nanghimasok na nga ang Nanay niyang si Carmina Villarroel, kaya mas minabuti na lamang niyang manahimik at mag-move on.

“Tahimik na lang ang both sides regarding sa hiwalayan isyu, pero okay naman silang nagkahiwalay. At hindi na kailangan pang pag-usapan ang mga nangyari, dahil hindi na rin naman ito makakatulong pa.

“Ang mahal ngayon ni Mavy, ay ang kanyang sarili. Pokus daw muna siya ngayon sa kanyang acting career, dahil gusto daw niya balang araw na maging mahusay na actor,” diin pa ni Miss. Bubuwit na aking source.