Maglalabas ng isang compilation album na “Indie-Mand Vol.1 2021” ang mga Filipino Indie Artists at musicians. Kung saan, tinipon ang mga piling awitin ng mga nasabing artists. May kabuuang 22 songs ang nasabing project album.
Kahit may pandemya, naisipan nila ito upang di tuluyang magupo ng lungkot at pagsubok. Gayundin ng makapagbigay ng pag-asa at saya sa kanilang mga kanta.
Hindi rin pahuhuli ang mga nasamang artists at kanta sa album. Dahil masasabing magaganda ito at pwedeng makipagsabayan sa mainstream.
Iba’t-ibang genre at style ng songs ang mapakikinggan sa album. Hinati ito sa dalawang part na Side A at B kapag sa CD pakikinggan.
Kabilang sa mga kasama sa SIDE A ay ang kantang Sana (AprilBoys Vingo Regino), Binibini (Neil Rabo), Hangga’t May Tayo (Gil Sabado), Philippine Girl (Alvin Camacho), Dakilang Ina (BrownJay Genrose/ Jerky G), Pilipinas (Vivian Henaez/Composed by Albert OdeƱa), Ngumiti Ka Na Lang (Rex & Ron), Kape (Noel Bernaldo), Ikaw Ang Pag-ibig (Emping), Magkaibigan ( Kris Sinon Rimorin) at NNS (Red Tumamak Jr).
Kabilang naman sa SIDE B ay ang kantang Kumiskislap (Zionchillers), Bananang Walang Lagas ( Ron Calleja), Palayain (Buy One Take One Band), Kilala ang Pilipino ( Ronilo Victoriano), Pulag ( Sky Bichoco), Maging Akin Ka Lang ( Dante Abrera), Tadhana (Nats Acosta), Stalker (Antz Aguro), Pure Love (Lady Love), Friends of Peace (Obet Rivera/ Composed by Dante Tierra) at Sa Aking Kaibigan ( Vingo Regino).
More Stories
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
560th Air Base Group’s Civil-Military Operations Transform Lives Across Cebu