May 17, 2024

K BROSAS, EXTREME ANG STRESS LEVELS DAHIL SA BOTHANG DEAL SA CONTRACTOR

Wasted ang singer-comedianne na si K Brosas dahil sa ginawang pambo-botcha sa kanya ang contractor sa kanyang ipinagagawang bahay. Basta na lang kasi iniwanan nito matapos ang 35 percent completion ng construction.


Kaya, emotional down at stressed si K dahil sa ginawang panloloko sa kanya. Nasa P7-million ang kabuuang naibigay niya sa contractor. Kaya, para maturuan ng lesson, naghain ng legal action ang singer-comedianne.


“Nasira ang pangarap ko… My stress levels were extreme, my friends know that. Whenever people ask me for updates about my house, I always feel like crying. Because what do I tell them? People tease me when I will do a house raid. Nganga lang ako,” aniya sa isang interview sa Zoom.