December 25, 2024

Matinding tagtuyot mararanasan sa 65 lalawigan… EL NIÑO IIRAL HANGGANG MAYO

IHINAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na asahan ang higit pang alinsangan sa bansa, kasabay ng panawagan ng ibayong-init na dulot ng nararanasang El Niño phenomenon.

Sa pagtataya ni Secretary Renato Solidum ng Department of Science and Technology (DOST) makakaramdam ng katamtaman hanggang sa matinding tagtuyot mula sa Pebrero hanggang Mayo ngayong taon.

Una nang sinabi ni Solidum na may 65 lalawigan ang tatamaan ng matinding tagtuyot dahil sa dry spell sa unang sangkapat ng kasalukuyang taon.

Kumbinsido rin si Solidum na ang naganap na ang antas ng init na mararanasan ng bansa ay kahalintulad sa El Niño phenomenon na tumama sa bansa noong taong 1997 hanggang 1998 kunsaan bilyong pisong halaga ang nawala sa hanay ng mga magsasaka bunsod ng matinding tagtuyot.

Gayunpaman, gumagawa na di umano ng paraan ang Department of Agriculture (DA) para makaiwas sa matinding epekto ng El Niño ang sektor ng agrikultura sa bansa.