November 23, 2024

Matapos sumalpok sa concrete barriers
KOTSE NAGLIYAB SA QC; 3 PHILIPPINE AIR FORCE PATAY

Patay ang tatlong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) matapos bumangga sa mga concrete barrier at magliyab ang kotse na kanilang sinasakyan kaninang madaling-araw sa Quezon City.

Naganap ang aksidente sa kahabaan ng southbound EDSA ilang metro mula sa P. Tuazon Tunnel sa naturang lungsod dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi Airman 1st Class (A1C) Aaron Cabarle, A1C Angelo Sabado, at A1C Kyle Justine Velasco,

“The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead,” ayon sa PAF.

Sugatan naman ang driver na si Airman Second Class  (A2C) Manuel P Ognes.

“The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment,” dagdag nito.

Sa lakas ng pagkabangga, nayupi ang harapang bahagi ng sasakyan at nagliyab.

Nabatid na mabilis na nilamon ng apoy ang kotse kaya hindi agad nakalapit ang mga rumesponde.

Lumitaw sa breath analyzer test na nakainom ang driver nang mangyari ang aksidente. 

Nakikipag-ugnayan na ang PAF sa mga awtoridad hinggil sa gagawing imbestigasyon.