MAYNILA – Hinamon ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magsampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa insidente kung saan nakita ang dagsa ng mga tao sa dolomite beach sa Manila Bay.
Ayon kay Moreno, kahit na ang Manila Bay ay matatagpuan sa kanilang siyudad, nasa DENR pa rin ang huridiksyon ng dolomite beach dahil sa kanilang isinasagawang rehabilitation project sa lugar.
“Ang ironic kasi dyan, sila ang nagpapatupad, sila rin ang lumalabag tapos iisipin nila na susunod ang tao,” wika ni Moreno sa isang panayam sa ABS-CBN News Channel.
“I’m challenging agencies of government under IATF to file charges in violation sa mga kapwa nila national government,” dagdag niya.
Saad ni Moreno na dapat sundin ang due diligence lalo na kung ang mga ganitong kaganapan—tulad ng pagdumog sa dolomite beach—ay magsisilbing superspreader sa gitna ng pandemya.
“If due diligence was done by DENR, in this case. I’m calling the IATF, to charge those people in DENR for violating our rules. If we cannot implement it within their offices, then there is no point to implementing sa mga taumbayan,” sambit ni Moreno.
Pinahihirapan natin ang taumbayan pero ang unang naglalabag ay tayo ring nasa national government. It doesn’t make sense, it doesn’t add up,” dagdag niya.
Noong Linggo, may mga ulat na ang mga awtoridad ay nakapagtala ng mahigit 4,000 indibidwal sa dolomite beach — na nasa isang bahagi ng rehabilitadong Manila Bay.
Bagama’t sinabi ng DENR na nag-deploy sila ng mga marshal sa beach area upang paalalahanan ang mga visitor na ipatupad ang health protocols.
Ang dolomite beach, na proyekto ng DENR, ay ipino-promote bilang posibleng tourist spot.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE