May 2, 2024

Matapos ang wrist injury… NOVAK DJOKOVIC TULOY SA AUSTRALIAN OPEN

Itinanggi ni tennis star Novak Djokovic na hindi na ito maglalaro sa Australian Open na gaganapin sa susunod na linggo.

Ito ay matapos na magtamo siya ng wrist injury ng talunin siya ni Alex de Minaur noong Enero 3 sa United Cup quarter finals.

Aminado nito na kahit na hindi siya 100 percent na makakapaglaro ay hindi ito sagabal para sa kaniya para mapalawig ang kaniyang 11th Australian Open title.

Pagtitiyak niya sa kaniyang fans na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing kampeonato. RON TOLENTINO