MATAPOS magpakitang -gilas sa NBA Summer League bilang Orlando Magic center, sesentro ang atensiyon ngayon sa Filipino pride na si Kai Sotto sa kanyang pagbabalik-Gilas Pilipinas.
Nakatakdang dumating sa bansa si Sotto upang samahan ang kanyang teammates sa national team sa ensayo na raratsada muli sa Hulyo 18 bilang preparasyon para sa bakbakan sa FIBA Basketball World Cup na ihu- host ng bansa mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10.
Hindi binigo ni dating Ateneo Blue Eagle Sotto ang Pinoy basketball world fans nang finally ay bigyan siya ng playing time ng Orlando Magic coach sa impresibong performance ni Kai partikular sa paint area at depensa sa kanilang losing game kontra Portland Trailblazers kahapon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas,Nevada.
Optimistiko ang coaching staff ng Gilas Pilipinas na madaling makaka-jell ni Sotto ang kanyang mga Ka-Gilas lalo pa’t lalahok ang Pilipinas sa isang pocket tournament sa China sa unang linggo ng Agosto na lalahukan din ng Iran at Senegal at inaasahan din ang pagdating ni Filipino -American player Jordan Clarkson ng Utah Jazz.
Ang Gilas Pilipinas ay may impresibong 3-3 rekord sa kanilang Euro tour na di kasama si Sotto.
Haharapin ng Pilipinas sa unang bahagi ng World Cup ang ka-bracket na Angola,Dominican Republic at Italy.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA