May 17, 2024

MATAGUMPAY NA PHILIPPINE SPORTS EXPO SA OKADA MANILA UMANI NG SUPORTA

Nasa larawan si PSE panauhing pandangal Senate President Juan Miguel Zubiri kadaupang palad ang nasa hanay ng sports business sector tampok si FiberKinetics Executive Director Ian Navarroza kung saan kanilang natalakay ang isa sa sports project nito sa Malaybalay sa balwarte ng Mambabatas para sa pagsulong sa mga proyektong ‘ build well equipped facilities na malaking tulong na maiangat ang skills level ng mga atleta ng bansa. (MENCHIE SALAZAR)

NAGTIPON ang mga lider ng pamahalaan,pambansang atleta,personalidad sa sektor negosyo at sports enthusiasts upang bigyang – ningning ang presentasyon sa publiko ng kauna-unahang Philippine Sports Expo( PSE) kamakalawa sa Crystal Pavilion ng Okada Manila sa Pasay City.

Pinangunahan ni Senate President Sen. Juan Miguel Zubiri ang prestihiyosong okasyon para sa Philippine sports kung saan ay nai- exhibit sa kani-kanilang booth ang mga makaysayang tagumpay ng bawat national sports Association( NSA) mula noon hanggang ngayon tulad ng gymnastics,athletics,basketball,karatedo,arnis,boxing,pati extreme sports equipments at de- kalidad na kagamitan   sa flooring systems para sa sports facilities tulad ng FiberKinetics.

Tampok din sa mga personalidad na dumalo sa makasaysayang kaganapan sina Philippine Sports Commission Richard Bachmann at Commissioners na sina Fritz Gaston at Walter Torres,athletics long jump queen at PSA Hall of Famer Elma Muros- Posadas basketball legend ex- PBA superstar ( Comm.) Ramon Fernandez at sina dating national players Asi Taulava at Larry Fonacier na nag- anyaya sa publiko na suportahan ang nalalapit na hosting ng bansang FIBA  Basketball World Cup at ang pagsabak ng ating pambansang koponang Gilas Pilipinas sa naturang Olympics of basketball sa mundo.

Pangunahing pigura naman  sa business sports exhibitor ng kaganapang inorganisa ng CX Build si FiberKinetics executive Ian Navarroza at ang tinaguriang walking sports almanac na si Red Dumuk.

Sa pambungad seremonya ay nagpakitang-gilas at talento sa kanilang demo ang arnis national team ni Senator Zubiri at national gymnastics players ni GAP president Cynthia Carrion.

“Napaka-makabuluhang kaganapan ang ganitong presentasyon ng lahat ng may kinalaman at malasakit para sa Philippine sports kaya ating binabati si G. Michael Herrera ng PSE,” pahayag ni public servant/ sportsman SP Sen. Zubiri na siya ring pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation( PEKAF), ang most bemedalled NSA ng Team Philippines na sumabak nitong nakaraang  Cambodia Southeast Asian Games ’23.