December 25, 2024

Masakit na parte ng break-up nila ni Gerald… ‘YUNG PARANG WALANG RESPETO SA RELASYON – BEA

GRABE pala ang sinapit ng pag-iibigan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Nauwi lang sa hiwalayan na hindi malaman ni Bea ang tunay na dahilan. On her part ay masakit, kasi hindi niya man lang nabigyan ng tamang solusyon ang naging problema nila ng kanyang boyfriend.

“Unfair on my part, kasi ang feeling ko parang walang respeto sa relationship namin. Hindi ko alam kung may mali akong nagawa, na dapat kong itama. Kaso wala, basta nanahimik na lang. Ayun hanggang nauwi na nga sa break-up, iyon ang masakit na nangyari.” saad pa ni Bea Alonzo.

Pero naka-move on na ang actress sa nangyari sa kanila ng kanyang boyfriend, na iniwan siya sa ere. Ang buong akala pa nga niya ay sila pa, pero hindi na pala. Aral daw iyong nangyari kay Bea Alonzo, kaya ngayon ay ibayong ingat na siya sa tawag ng pag-ibig.