DALAWANG linggo na ang nakaraan nang pakasalan ni Mrs. Lucy Grimsley ang kanyang higanteng teddy bear habang nasa kasagsagan ng pandemic.
Napagtanto raw kasi ni Grimsley na mas matino pa raw ang nasabing teddy bear kumpara sa mga nakarelasyon niyang mga lalaki.
Madalas kasi aniya siyang bugbugin at manyakin ng mga naging boyfriend noong siya ay dalaga pa. Daig pa raw ng mga ito ang mga baboons.
“Karamihan sa mga lalaki ay parang mga batang paslit. Kailangan ng atensiyon, pero iiwan ka rin sa huli kapag nakuha na nila ang kanilang gusto,” ayon kay Grimsley nang makapanayam ng ANG.
Kaya nang mangyari itong pandemic, nagtungo raw siya sa isang toys store at bumuli ng mga laruan upang may makasama siya habang nagse-self quarantine.
Dinala niya ang ANG sa kanyang kuwarto, kung saan ipinakilala niya sa amin si “Teddy Bear Roosevelt,” isang dambuhalang teddy bear na nakapatong sa ibabaw ng kama.
Aniya na-love at first sight daw siya sa naturang teddy bear nang pumutok itong pandemya. At naisip niya na para maging ganap na legal ay nagpakasal daw siya sa kanyang laruan sa isang pekeng pari na adik sa heroin.
“Magaling sumayaw si TD. Sabay kaming nanood ng mga palabas sa telebisyon. Palagi siyang nakangiti. At hindi tulad ng ibang lalaki, palagi siyang nakikinig sa akin. Magaling din siya makipagniig sa kama,” paliwanag ni Grimsley sa ANG.
Pero napag-alaman sa huli ng ANG mula sa kanyang doktor na mayroon pa lang sakit sa pag-iisip itong si Grimsley matapos bugbugin at ipagahasa ng kanyang dating boyfriend sa tatlong kaibigan nito noong 2016.
Dagdag pa ng naturang doktor sa ANG, nadisgrasya rin daw si Grimsley noong siya ay bata pa matapos matadyakan ng dalawang beses ng kabayo dahilan para siya ay ma-coma kaya maari rin daw nakalog ang utak nito.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA