PATULOY na inaani ng Aksyon Demokratiko party ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang bunga ng kanilang pagsisikap matapos pormal na tanggapin apat na organisasyon bilang multi-sectoral arm ng partido.
Nilagdaan ni Moreno, president ng Aksyon Demokratiko, ang Memorandum of Cooperation kasama ang mga lider ng Pilipinas God First Movement, Inc. (PGFMI); Isko Tayo Kabataan (ITK); Young Organizers for Unity, Truth & Hope (YOUTH) at Isang Bangka, Isang Diwa Movement (IBID).
Isinagawa ang MOC signing noong Lunes sa lobby ng Universidad de Manila.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Shieda May Mohammad ng PGFMI; Fatimary Gopez ng ITK; Reynald Nival ng YOUTH at Leynette San Jose of IBID.
Dahil sa kasunduan, magiging opisyal na mga miyembro ng Aksyon Demokratiko ang ilang libong miyembro ng apat na sectoral groups. Ayon mga grupo, ibinigay nila ang buong suporta kay Moreno dahil naniniwala sila sa kanyang abilidad, kakayahan at karanasan bilang isang lider na karapat-dapat na maging susunod na pangulo ng bansa.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE