Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang bansa dahil sa easterlies.
“Easterlies pa rin ang nakakaapekto sa ating bansa. Ito ang magdadala ng mainit na panahon pa rin habang may tsansa ng pagulan, pagkidlat, at pagkulog or isolated rain showers and thunderstorms lalo na dito sa bahagi ng Eastern Visayas and Eastern Mindanao,” ayon sa ulat ni Pagasa weather specialist Obet Badrina.
Aniya, wala pang namo-monitor ang pag-asa ng anumang low-pressure area na papasok sa area of responsibility sa bansa ngayong buong linggo.
13 na lugar sa bansa ang inaasahan na makakaranas ng mataas na heat index ngayong Lunes.
Base sa dalawang araw na forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararanasan ng Dagupan City sa Pangasinan ang pinakamataas na heat index ngayong araw na 45 degrees Celsius.
Ang iba pang mga lugar ay ang mga sumusunod:
NAIA Pasay City, Metro Manila: 42ºC
Laoag City, Ilocos Norte: 42ºC
Dagupan City, Pangasinan: 45ºC
Aparri, Cagayan: 43ºC
Tuguegarao City, Cagayan: 42ºC
ISU Echague, Isabela: 42ºC
Clark Airport (DMIA), Pampanga: 42ºC
Puerto Princesa City, Palawan: 44ºC
Aborlan, Palawan: 42ºC
Virac (Synop), Catanduanes: 42ºC
Masbate City, Masbate: 42ºC
Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42ºC
Cotabato City, Maguindanao: 42ºC
More Stories
CUSTOM BROKER, 2 IBA PA HINATULAN NG HABAMBUHAY NA KULONG DAHIL SA DROGA
DISMISSAL NG BUS DRIVER NA SANGKOT SA MARAMING AKSIDENTE, PINAGTIBAY NG SC
177 SENATORIAL ASPIRANTS ‘NUISANCE’ CANDIDATES – COMELEC