
Impresibo ang pagsuntok ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa Mohegan Sun sa Uncasville, Connecticut. Katunayan, nagtala ito ng fourth round knockout win kontra Pablo Cruz (21-4).
Ang laban ng dalawa ay undercard ng Premier Boxing Champions main event; Ennie vs Lepinets.
Dahilo dito, nananatiling undefeated ang 25-anyos na si Magsayo sa kanyang 22 bouts. Ang panalo kay Cruz ay kanyang ika-15 career stoppage win.
Nilikida nito ang katunggali ng quick straight. Kung kaya, bumagsak si Cruz sa Round 1.
Nagpatuloy ang magandang ritmo ni Magsayo sa pagsuntok sa mga sumunod na round. Hanggang sa manghina si Cruz sa fourth round.
Isang right straight ang ipinatama nito sa opponent sa 48 seconds ng round. Dahilan upang itala ang knockout win ng isa sa alaga ni Hall of Famer boxing coach Freddie Roach.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT