
Nakatakdang umupak si Mark Magsayo at idepensa ang kanyang World Boxing Council (WBC) World featherweight title. Kakasa siya kay unbeaten Mexican Rey Vargas sa July 9 sa Alamodome sa Texas.
Inanunsiyo naman ng Premier Boxing Champion ang paglatag ng pre-sale tickets. Si Magsayo ay may unbeaten record na 24-0 at may 16 knockouts.
Tanagan naman ni Vargas ang 35 wins, 22 knockouts. Siya rin ay former WBC super bantamweight champion.
Nahablot ng 26-anyos na Filipino boxer ang kanyang belt noong January 22. Ito’y matapos niyang dispatsahin si Gary Russell Jr. via majority decision. Kung saan, idinaos ang laban ng dalawa sa Atlantic City sa New Jersey.
More Stories
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel