
Naagaw kay Mark Magsayo ang kanyang WBC featherweight title sa Alamodome sa San Antonio, Texas. Natalo siya via split decision kay Rey Vargas kahit napatumba niya ito sa laban.
Pinabagsak ng binansagang ‘Magnifico’ si Vargas sa Round 9. Ngunit, hindi lubusang nalikida ang unbeaten Mexican pug. Nasira ng epektibong jab ng Mexican ang timing ng Pinoy boxer.
Pumabor ang two judges kay Vargas na kapwa nagbigay ng 115-112 score. Samantalang nakuha naman ni Magsayo ang 114-113.
Si Vargas ay may record na 36-0, 22 KO’s ay naging two-division champ. Dati rin siyang former champion sa super bantamweight bago sumampa sa 126 pounds. Nalasap naman ng 27-anyos na si Magsayo ang first loss. Nadungisan na ang perfect record niya na 24-1, 16 knockouts.
More Stories
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.