April 30, 2024

MARIS RACAL AT ANTHONY JENNINGS, TINANGGAL NASA ‘CAN’T BUY ME LOVE’

DAHIL ang loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings na ThoMa ang mas inaabangang panoorin ng mga tao sa ‘Can’t Buy Me Love,’ minabuti ng ABS-CBN na tanggalin sila dahil nasasapawan nila ang DonBelle loveteam.

“Naloka talaga ang ABS-CBN management, dahil ang DonBelle loveteam na kanilang pinoproteksiyonan ay hindi nila sukat akalain na ilalampaso ito ng ThoMa loveteam.

“Tinalo nila ang main lead star ng ‘Can’t Buy Me Love,’ na wala raw itong dating sa madlang pipol. Masakit pero iyan daw ang katotohanan,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.