September 15, 2024

MARICEL SORIANO, SUGATAN SA AKSIDENTENG NATAMO SA SHOOTING NG ‘ANG SA IYO AY AKIN’

Dedma si Maricel Soriano sa aksidente na kanyang tinamo sa taping ng ‘Ang Sayo Ay Akin.’ Hindi lang iyon– nakaladkad pa ang aktres sa tumatakbong van, pero hindi iyon pinahinto ng actress at sa halip ay tuloy pa rin ang taping.

Ang eksena kasi, hinahabol niya si Jodi Sta. Maria kaya nadapa siya. Tumayo ulit si Maricel para muling habulin tapos doon siya naaksidente.

Ayon sa actress, hindi raw pwedeng i-dobol iyun kasi master shot at close up iyon kaya tuloy-tuloy lang. Tapos tatlo pa ang mga camera na ginamit nila kaya kuha ang lahat. Pero naka standby naman ang medical team sa location ng kanilang shooting kaya naagapan at nagamot agad si Maricel. Nagtamo siya ng sugat sa dalawang tuhod pero kung sa ibang actress siguro nangyari iyon, baka ipinahinto na nila ang shooting.

“Part ‘yon ng trabaho naming mga artista. Hindi naman pwedeng iwasan ang mga ganuong eksena kasi nga kasama ‘yon. Ang aksidente, dumarating talaga iyan. Pero dahil dala na rin ng pagiging propesyonal kaya okay lang. Hindi rin naman pwedeng i-dobol ang eksena, kasi anduon na. Basta kung kaya mong ipakitang maging makatotohanan, gawin mo. Dahil ang ikagaganda ng isang serye ay kung papaano mo mapapaniwala ang iyong mga televiewers,” chika pa niya.