
Di maikakailang fan si Marian Rivera ni Wonder Woman star Gal Gadot. Napili siya na isa 6 na hurado sa idaraos na 2021 Miss Universe Pageant. Kaya, excited nang makita ng Kapuso actress si Wonder Woman sa Israel. Isa umano iyon sa kanyang bucket lists.
“Mixed emotions ako dahil malaking karangalan ito sa akin, minsan lang mangyari, paano mo hindi tatanggapin?’ aniya.
Isa nga sa puntirya ni Marian ay maging maayos ang kanyang trabaho bilang judge. Gayundin na makilala ang lahat ng kandidata. At ang pinaka-matindi, makita si Gal Gadot.
“Sana, ma-meet ko siya. Sana, mabigyan ako ng chance. Ang parang malabong mapuntahan ko ay ang place ng birth ni Jesus dahil sa restrictions sa Israel,” saad ng aktres.
Ayon pa sa aktres, sa December 6 patungong Israel ay bahagi rin ng selection committee. Idaraos ang Miss Universe 2021 sa December 12, 2021. Ang airing nito ay ilalatag naman sa December 13 dito sa Pilipinas.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA