Dumagit ng silver medal si female skateboarder Margielyn Didal sa ikinasang na Madrid Urban Sports meet.
Ang nasabing torneo ay ginawa online. Kung saan, 5 judges ang humatol sa virtual tournament.
Kabilang na rito sina Anthony Claravall, Danny Wainwright, Jesus Fernandez, Vanessa Torres at Alex Braza. Sila ang pumili sa mga magwawagi sa kada knockout matches.
Hindi pinapayagang magkaroon ng tabla sa naturang torneo. Kinulang sa gold medal si Didal (rank no.14) ang matalo kay world rank no. 43 Nanaka Fujisawa ng Japan.
Kung saan, nakuha nito ang pabor sa lahat ng hurado. Bago ang finals, tinalo ni Didal si Marina Gabriela (No.8) sa opening round, 3-2.
Ang naturang torneo ay preparasyon ng Cebuana skateboarder para magkaroon ng tiket sa Tokyo Olympics.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT