
Binibit ni Marcus Morris ang Los Angeles Clippers sa pag-ipit sa Phoenix Suns, 111-95. Nagtala ang isa sa tinaguriang ‘ Kambal’ ng 24 points at 11 rebounds. Nag-ambag naman si Reggie Jackson ng 19 points at 3 rebounds.
Kumana naman si Kawhi Leonard ng 16 points, 9 rebounds at 3 assists. Nagawang silatin ng Clippers ang No.1 seed sa West na Suns kahit wala si Paul George.
Sa iba pang laro, nanguna si Eric Gordon sa panalo ng Houston Rockets. Binistay ng Texas state team ang Atlanta Hawks, 132-126. Bumuslo si Gordon ng 32 points, 3 boards at 3 assists.
Nasayang naman ang ginawang 41 points, 9 assists at 4 boards ni Trae Young. Hawak ng Hawks ang momentum mula umpisa hangang 4rth quarter. Pero, nagawang makaungos ng Rockets at naitala ang comeback from behind win.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo