January 22, 2025

Marcos sa Araw ng Kagitingan… KATAPANGAN, KATATAGAN NG MGA BAYANI TULARAN VS BANTA SA BANSA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ika-82 taon na paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.

Bukod dito, pinangunahan din ng Pangulo ang ceremonial turn-over ng NHA housing project sa Balanga City.

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang sambayanan na tularan ang katapangan at katatagan ng mga bayani ng digmaan sa harap ng mga puwersang nagbabanta sa bansa.

Bagama’t nabubuhay aniya sa ibang panahon ang mga Pinoy, hindi pa rin naiiba ang mga hamong kinakaharap ng bansa na nangangailangan ng tapang para manindigan.

Foul forces continue to threaten us outside and within, endangering the hard-fought gains we made for our country. There are times when our struggles seem too complex or too daunting,” saad niya.


“Still, it is precisely during those moments that we must stand by our cherished freedoms and principles, perform our tasks with utmost dedication and diligence, and fight fiercely for a better life and a brighter future,” dagdag ng Pangulo.

Ang apela para sa katapangan at katatagan ay ginawa ng Pangulo sa harap ng mga banta sa panloob at panlabas na depensa ng bansa.

Maging inspirasyon aniya ang sakripisyo ng mga bayani ng digmaan at sundan ang pamanang yaman ng mga ito sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“Let us emulate the bravery, integrity, and resilience of the heroes and heroines of Bataan so that, like them, we may emerge triumphant in the trials of our time,” saad ng Pangulo.

“With the great sacrifices of our progenitors foremost in our minds, let us be inspired to follow their legacy by working together to unitedly realize the Bagong Pilipinas that we aspire for our people,” dagdag pa niya.

Bilang pagkilala naman sa sakripisyo ng mga sundalong nagtatanggol sa katatagan at kalayaan ng bansa, ipinarerepaso ng Pangulo ang benepisyo sa mga sundalong permanenteng nagkaroon ng kapansanan.

Bukod sa pagpapahusay sa kapabilidad, tinitiyak din aniya ng gobyerno na sumasabay din dito ang mga pagbili ng mga angkop na kasangkapan.

Kaya naman ipinasusumite din ng Pangulo sa Defense Department at Armed Forces of the Philippines ang imbentaryo ng mga kasangkapan mayroon ang sandatahang lakas.