May 28, 2024

GOWN NI SARAH GERONIMO PARANG UKAY NA GALING SA BAOL AT LUKOT-LUKOT

UNA ang buhok niya ang hindi nagustuhan ng mga netizens, ngayon naman ay ang suot niyang gown.\

Grabe ang reaction nila, at dapat daw magpalit na raw siya ng glam team.

“Ang gara kasi ng dating ng gown niya, parang kinuha sa baol lukot-lukot ito.

“Kung sa bagay uso sa abroad ang ganyang klase ng gown, parang papel na nilukot. Kung lukot na lukot para sa kanila, mas lalong bongga ang dating.
“Dedma lang si Sarah G., hindi na lang niya pinapansin ang mga taong bumabatikos sa kanyang gown,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.