December 26, 2024

MARCOS: KABUTIHAN, IPAIRAL NGAYONG MAHAL NA ARAW

Sa pagsisimula ng Mahal na Araw, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga debotong Katoliko na manatiling maging “mabuti at walang pag-iimbot,” lalo na sa mga kapos-palad.

“In this solemn occasion, let us not only seek to unravel the mysteries of our faith, but also to illuminate the path for others through acts of kindness and selflessness,” ani presidente sa isang pahayag.

“I pray that we may humbly accept our authentic selves as imperfect beings, for it is by becoming truly human that we can experience the divine. Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking,” dagdag niya.

Sinabi rin Marcos na ipinapanalangin niya ang mga tao na tanggapin nang may kababaang-loob ang kanilang tunay na sarili bilang hindi perpektong mga nilalang.

“Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking. May we all have a meaningful and reflective Holy Week,” aniya.

Libo-libong deboto ang nagtungo sa mga simbahan ngayong araw bilang pagsisimula ng Holy Week.

Magtatagal ang Holy Week hanggang Marso 30, Black Saturday, at susundan ng Easter Sunday, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa buong mundo ang muling pagkabuhay ni Hesukristo.