
INIMBITAHAN ni United States President Joe Biden si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumisita sa Washington D.C.
“Yes, invited pero wala pang agreed date,” ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.
Aniya, personal na inabot ni US Second Gentleman Douglas Emhoff ang invitation letter ni Biden kay Marcos.
Kahit may mga kaso sa Estados Unidos, maaaring makapunta roon si Marcos na hindi maaaresto dahil sa taglay na ‘diplomatic immunity’ ng isang nakaupong presidente.
Ang kinukumpirma pa lamang na biyahe sa abroad ni Marcos ay ang pagdalo sa APEC Summit na gaganapin sa Thailand sa Nobyembre, 2022
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON