OPTIMISITIKO ang National Economic and Development Authority (NEDA) na hindi makaaapekto sa positibong economic outlook ng bansa ang mga isyung pampolitika na umuusbong ngayon.
Ito ay ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang nitong Huwebes.
“Business as usual for us. I don’t think that these political noises would have any impact on the economy,” pahayag ni Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.
Mahalaga aniya sa kanila ay ang mga patakarang pang-ekonomiya—isang maayos at ‘sustained policy directions.’
“In fact, that has been the case for the Philippines since late 1990’s that the economy continued to progress despite the political noises simply because the economic policies and our directions have been broadly sustained,” dagdag ni Balisacan.
Nabanggit din ng kalihim na ang ‘sustainability’ ng economic agenda ng bansa ang siya ring mahalaga para sa business community.
“The business community will continue to maintain their confidence on the economy. And so, I think, that the impact of noises such as what we have now, if there is anything to be quite minimal in the last 12 or so years, we’ll bear on that,” aniya.
At ngayon, ani Balisacan, sila’y nakatuon sa pagtiyak na makakamit ang mga layunin, target at mga estratehiya na itinakda sa ilalim ng Philippine Development Plan.
May paglilinaw ang NEDA chief tungkol sa mga pondong kinuha umano ng national government mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), Government Service Insurance System (GSIS), at Social Security System (SSS).
Inilahad ni Balisacan na ang pondo mula sa mga tanggapan ng estado kabilang ang PhilHealth, GSIS, SSS ay maayos na inilaan para sa imprastraktura at iba pang mga proyekto ng pamahalaan na nakahanay sa mga pangmatagalang plano sa pag-unlad.
Kinumpirma ng kalihim na ang mga proyektong ito ay nakaprograma na para sa implementasyon ngayong taon upang matugunan ang mga natukoy na pangangailangan sa pagpopondo.
“I don’t have the details where those funds have actually been used, but broadly yes [they were used in infrastructure projects and they were] meant to address the need for funding for those projects that have been identified, and programmed for implementation within the year.”
“In general, those funds must be used, whatever those funds are, whether it’s from DOH or PhilHealth—they should be used in productive beneficial projects,” aniya.
Binigyang-diin ni Balisacan na lahat ng proyekto at alokasyon sa pagpopondo ay dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng economic managers, implementing agencies, at Kongreso.
Muli namang tiniyak ng pinuno ng NEDA sa publiko na ang paggamit ng pondo ng gobyerno, kabilang na ang badyet mula sa mga ahensiya tulad ng PhilHealth, GSIS, AT SSS, ay sumasalamin sa balanseng pamamaraan sa pagtugon sa parehong panandaliang pangangailangan at pangmatagalang layunin sa pag-unlad ng bansa.
Inilabas ni Balisacan ang pahayag habang dinepensahan niya ang paghawak ng pamahalaan sa pondo ng estado kasunod ng naging concerns ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa umano’y malversation ng pondo ng nabanggit na Government Financial Institutions (GFIs).
Iginiit din ni FPRRD na ang bansa ay kasalukuyang nasa estado ng “hemorrhage” sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Marcos Jr. na sinabi na ang kasalukuyang pamahalaan ay mas nakatutok sa pamamahagi ng panandaliang tulong sa halip na mamuhunan sa pangmatagalang mga proyekto.
“Ang gobyernong ito, walang project, wala kang nakitang project, maintenance na lang, kasi ayuda—AKAP ayuda, TUPAD. Iyon naubos doon.”
“Ang tingin ko ang mas mabigat na problema na dapat malaman ng Pilipino is nag-hemorrhage ang country. Pati ang PhilHealth nga na hindi sa gobyerno, contribution natin iyan, kasi kung magpa-ospital ka, ‘yun may pambayad ka, depende sa category rates mo,” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas