
Paparangalan si Tokyo Olympics medalist Eumir Felix Marcial ng isang special award. Ipagkakaloob ito sa idaraos na 2021 San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night.
Ito ay dahil sa naging ambag ng boxer sa larangan ng sports. Gayundin bilang isa sa kinikilalang rising star sa boxing. Igagawad sa 26-anyos na Zamboangeño ang ‘ Fan Favorite’ Manok ng Bayan’ Award.
Bibigyan din si Marcial ng major awards ng PSA na kinabibilangan ng ilan pang atletang kuminang nooong 2021. Nasa listahan din sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam, EJ Obiena.
Gayundin sina Carlo Biado, Alex Eala, Nonito Donaire Jr, Jerwin Ancajas at John Riel Casimero.
Ang awarding ay idaraos sa Marso 14 sa Diamond Hotel. Kung saan ay magiging host ang POC.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND