Talagang bida sa totoong buhay si Marc Pingris, ang retired Magnolia Hot Shots cager. Dahil sa likas na mabait at mapagkawanggawa, isang Good Samaritan Act ang kanyang ginawa.
Ito ay para maprorektahan ang kanyang mga kababayan sa muling tuimaas na kaso ng COVID-19. Katunayan, sa kanyang Instagram post, ibinida ni ‘Pinoy Sakuragi’ ang paglatag ng essential goods. Kabilang na ang bigas, noodles at vitamins sa kanyang mga kababayan sa Pozurrubio, Pangasinan.
“Nakaka-miss gawin eto ang mag bigay ng kunting saya sa mga kababayan ko,”post ni Pingris sa kanyang IG. Aniya, natuwa ang kanyang mga kababayan dahil sa kanyang donasyon. Katuwang ang ilang kaibigan sa donasyon at pagkakaloob ng tulong.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2