
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Police General Rommel Francisco Marbil bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni retired Gen. Benjamin Acorda Jr. sa ginanap na change of command at retirement ceremony ngayong araw.
Si Marbil ay kaklase ni Acroda; kapwa sila nabibilang sa Philippine Military Academy (PMA) Sambisig Class of 1991, naging hepe ng Directorate for Comptrollership, hepe ng Eastern Visayas regional police – ang home turf ni House Speaker Martin Romualdez, pinsan ng Pangulo.
Nagsilbi rin siya bilang hepe ng PNP Highway Patrol Group.
Nakatakdang magretiro si Marbil, 55, sa Pebrero 7, 2025 pagkatapos niyang maabot ang mandatory retirement age sa edad na 56.
Magugunita na itinalaga ng Palasyo ng Malakanyang si PLTGen. Emmanuel Peralta bilang officer in charge ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Marso 31, 2024 sa pagtatapos ng extension ng serbisyo ni PNP Chief Acorda.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa