Walang makahahadlang sa bakbakan nina Sen. Manny Pacquiao at Errol Spence Jr sa August 21. Ito’y matapos malagay sa alanganin na baka di ito matuloy.
Bagamat may nakaambang demanda mula sa Paradigm Sports, tuloy ang laban. Mismong si MP Promotions Sean Gibbon ang nagkumpirma nito.
Nagsampa ng demanda ang PS kamakailan dahil sa pagsira ng contract ni Pacquiao. Na ayon sa Paradigm, hindi sinunod ang master plan na dapat ay si Mikey Garcia ang lalabanan ni Pacman. Hinihiling din ng promotion sa korte na ipahinto ang laban.
“That fight is on the schedule 1000%! The fight is happening on August 21st at the T-Mobile Arena,” saad ni Gibbon sa BoxingScene.com.
“The Senator knows that the truth will set him free,” aniya.
Hindi naman nagpaapekto ang eight division world boxing champion sa bagay na iyon. Na makasisira lamang sa kanyang focus kay Spence.
Sa ngayon ay nasasanay si Pacquiao at inaasahang magtutungo ito sa US sa July 4. Sa gayun ay ikakasa ang training camp nito sa Wild Card Gym sa California.
https://glasselderly.com/c0s7it7i?key=703457758be2e38ca24b0e78041f1a94
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA