September 19, 2024

“MANNY PACQUIAO IS MUCH STRONGER THAN FLOYD MAYWEATHER JR”— LOGAN PAUL

Mas malakas si Sen. Manny Pacquiao kaysa kay undefeated pug Floyd Mayweather Jr. Ito ang opinyon ay pananaw ni YouTube sensation Logal Paul.

Dumalaw kasi ang sikat na Youtuber sa training ng Fighting Senator sa Wild Card Gym. Kung kaya, nakita nito ang bangis at lakas ni Pacman. Lalo na ang lakas ng pagsuntok nito.

Paglalahad ni Paul, balak pala niya noong labanan si Pacquiao sa isang bout. Pero, blessing in disguise raw. Dahil kung nagkataon, baka may kalalagyan siya. Kaya si Mayweather na lang ang nilabanan nito.

Kaugnay dito, ipinost naman ni Pacquiao sa kanyang social media account ang pagdalaw sa kanya ni Paul.

After watching me work out, he said he was glad he fought Mayweather instead of me. Honored to have @loganpaul come by Wild Card gym today,” ani Pacquiao.

Bukod kay Paul, dumalaw raw sa training si Fil-Am cager Jalen Green. Si Green ay isa sa top prospect s bilang top pick sa NBA Annual Rookie Draft.