Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Matatapos na ang taong 2021 at papasok na tayo sa taong 2022. Maraming nangyari na nagdaan sa ating buhay sa lilipas nang taon. May sandaling nalugmok tayo at nasaktan. May nawala rin sa mga kasamahan natin sa peryodiko.
Dumaan tayo sa ilang hamon ng buhay. Gaya ng kakapusan, pagkalungkot, ligalig at balisa. Nakaranas din ang iba sa atin ng hagupit na dulot ng kalikasan.
May nabiktima ng sunog, bagyo, lindol at iba pang kalamidad. Pero, sa awa ng Diyos, nakabangon tayo. Katunayan, sa kabila ng pandemya ay patuloy sa pagpagaspas ang ating pahayagan.
Kahayagan ito ng di nagmamaliw na awa at tulong ng ating Maykapal. Naaliw din tayo pansamantala sa mga nangyari sa politika. May nagbangayan. Pero, dapat sports lang.
Tayong mga Pilipino naman ay madaling magpatawad at makalimot. Sa ganang akin lang mga Cabalen, nagpapasalamat ako dahil inyong patuloy na pagsuporta sa aming pahayagan.
Mapa-hard copy man o sa online. Kaya, hiling ng inyong lingkod ay patuloy po ninyong suporta. Nawa’y sa dating na taon ay patuloy po ninyo kaming samahan at suportahan. Sa gayun ay maging matagumpay po ang tayong lahat. Mga Cabalen, hangad ko ang kaligayahan nng bawat isa. Mapagpalang bagong taon po sa ating lahat.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino