ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng Kadiwa Program ng Department of Agriculture (DA) ay namahagi ng mga fishing nets sa 92 rehistradong fisherfolks.
Sa bilang na ito, 75 ang nakatanggap ng 500 hanggang 700-meter nets na gamit sa panghuhuli ng iba’t-ibang uri ng isda, at 17 ang tumanggap ng 200 hanggang 400-meter mesh nets na para sa mga hipon at alimasag.
Nagpasalamat naman si Mayor Toby Tiangco sa DA sa kanilang tulong sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga mangingisdang Navoteño. Nagpasalamat din siya kay Coun. Alvin Nazal, ang pangunahing tagapagtaguyod ng proyekto.
“In addition to the fish nets, we intend to provide 50 NavoBangka fiberglass boats to qualified fisherfolks this year. Ten are currently under construction and we expect to have them distributed within June,” aniya.
Sinabi pa ni Mayor Tiangco na ang Navotas, sa tulong ni Sen. Imee Marcos, ay nakakuha ng P5 million halaga ng pondo mula sa DA para sa livelihood programs at proyekto para sa mga mangingisdang Navoteño.
Samantala, sa pagsisikap ni Congressman John Rey Tiangco, naglabas ang Department of Social Welfare and Development ng tig P3,000 para sa 7,264 rehistradong mangingisda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
“The COVID pandemic affected us all, but it hit hardest those in the marginalized sector including our fisherfolks. We hope that through AICS and the various programs of the city government and national agencies, they will be able to bounce forward quickly,” ani Cong. Tiangco.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY