NASABAT ng pulisya sa isang umano’y bitime tulak ng illegal na droga ang aabot P6.8 milyong halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operation Unit-National Capital Region (PNPDEG-SOU-NCR) Chief P/Col. Darwin Miranda ang naarestong suspek na si alyas “Ross”, 30, mangingisda at residente ng Brgy. Tangos, Navotas City.
Ayon kay P/Major Renz Principe na nanguna sa operation, bago ang pagkakaaresto nila suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng ilegal na droga.
Nang magawa nilang makipagtrabsaksyon sa suspek, agad ikinasa ni Major Principe ang joint buy bust operation, kasama si P/Lt. Aldazer Sahisa, PDEA RO NCR na nagresulta sa pagkakaaresto sa kay ‘Ross’ dakong ala-1:12 ng hapon sa Madonna Lodge sa Brgy., 136 Bagong Barrio, Caloocan City.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 1000 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00, buy bust money na isang P1000 bill, kasama ang bundle ng boodle money, cellphone at green nap sack bag.
Pansamantalang nasa kustodiya ng PNPDEG, SOU NCR, sa Camp Bagong, Diwa, Taguig City ang suspek na sasampahan nila ng kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA