November 5, 2024

MANATILI SA BAHAY: 41 DEGREES HEAT INDEX SA METRO MANILA

Manatili sa bahay at palaging uminom ng maraming tubig.



Ito ang payo ng PAGASA sa publiko dahil inaasahan na magpapatuloy ang 41 degrees Celsius ngayong linggo sa Metro Manila.

Kinokinsdera na mapanganib ang heat index na 41 degrees, ang ikalawa sa pinakamataas na four-level human discomfort index.  Ang mataas na temperatura na nararamdaman ng katawan o alisangan ay bunga ng easterlies o ang mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.

Dito sa Metro Manila for the next three to four days, inaasahan natin maglalaro sa mula 39 hanggang 41 degrees Celsius ‘yung possible computed heat index value,” saad ni state weather forecaster Chris Perez sa TeleRadyo.

“As much as possible, kung walang importanteng gagawin sa labas, manatili na lang sa loob ng bahay,” babala niya,

Inabisuhan ni Perez ang mga nagtatrabaho sa labas, lalo na ang mga construction worker na palaging uminom ng tubig at sumilong paminsan-minsan para makaiwas sa matinding init.

Noong nakaraang Biyernes, umabot sa 53 degrees ang heat index sa Dagupan, ang pinakamainit na panahon ngayong taong 2021 sa buong bansa