May 14, 2024

ALEX GONZAGA, MAY TINALBUGAN NGA BA BILANG BAGO ENDORSER NG E-COMERCE PLATFORM?

Pinalitan na pala ni Alex Gonzaga itong si Kris Aquino sa pag-eendorse ng e-commerce platform.

Si Alex na kasi ang nakikitang aktibo sa endorsement ng e-commerce platform. Isa lang ang ibig sabihin nito, tapos na ang pagiging endorser ni Ms. Kris Aquino. Na ngayon ay nakatira na sa Pampanga.

Dahil working millennial ang target ni Alex, kaya naman alive na alive ang dating nito. Kung titingnan ang part ni Kris, mukhang lamon na lamon siya ni Alex.

Kung sabagay malaki rin naman ang naitulong ni Kris sa nasabing kompanya. Mukhang taga-sambot si Alex nang mga commercial na pinagtapusan ni Kris.

Na ngangahulugan lamang ito na malakas ang hatak nito ngayon dahil siya ang na gustuhang ipalit sa mga commercial na iniwan na ni Kris Aquino.