January 24, 2025

MALASAKIT AT TULUNGAN SA TAYTAY, RIZAL

Matapos umikot sa Bayan ng Taytay para alamin ang kalagayan ng mga residente rito, minarapat ng Lokal na Pamahalaan ng Taytay, Rizal na dalhin ang Taytay Mobile Kitchen sa Miranda, Barangay San Juan sa naturang siyudad kaninang umaga kung saan sinalanta ng Bagyong Fabian at Habagat.

Kasama ni Mayor Joric Gacula ang kanyang butihing asawa na si Joan Gacula na bumisita sa nasabing lugar para maghatid ng 300 hot meals sa mga residente rito.



“Bagama’t panandaliang init ng sikmura lang, batid po namin ang kahalagahan nito lalo na sa mga kasalukuyang binabaha at hindi makapagluto,” saad ni Mayor Gacula.

Hangad ng naturang alkalde ang mga mabuting nutrisyon para sa mga mamamayan ng Taytay, para mapagaan ang kanilang pakiramdam sa kabila ng sinapit bunsod ng bagyo.

Para kay Mayor Gacula, pilit nilang inilalagay ang kanilang sarili sa sitwasyon ng mga residente sa Taytay kaya’t nararapat lamang na magtulungan at magmalasakit ngayong panahon ng sakuna at nangangailangan.


“Asahan niyo po na pilit naming inilalagay ang aming sarili sa inyong sitwasyon, aalamin ang inyong pangangailangan at gagawa ng paraan upang makapagbigay ng tulong sa pinakamabilis na paraan,” saad ni Gacula.