NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na menor de edad kabilang ang 2 buwang sanggol, na pinaniniwalaang dumanas ng pang-aabusong sekswal habang ‘isinusubasta’ online sa mga dayuhan ng dalawang ina na magkapatid sa Caloocan City.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, pinangunahan ng NBI-Violence Against Women and Children Division (VAWCD) ang pagkakasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang ina matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI mula sa Homeland Security of the United States kaugnay sa illegal na aktibidad ng mga suspek.
Humiling ng search warrant ang NBI upang masuri ang computer ng mga suspek na pinaniniwalaang naglalaman ng datos ng sexual exploitation.
Isa sa naaresto ay direktang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang dayuhan habang ang isa ay siya namang gumagawa ng child sexual abuse and exploitation materials (CSAEMs).
Dagdag ni Santiago, nasagip ang dalawang 14-anyos na lalaki at 10-anyos na babae, 7-anyos na babae, 2-anyos na babae, at isang 2 buwan na sanggol at nasa kustodiya na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“These disclosures from the minor victims were confirmed by our Medical Legal Doctors who found several fresh and old abrasions in the private parts of our female victims,” ayon sa NBI.
Samantala, ayon sa NBI, tinatakot ang mga biktima na itatapon sa creek o papalayasin sa kanilang bahay kung hindi sila susunod.
Mahaharap ang mga suspek sa Qualified Trafficking and Violence Against Women and Children at rape.
Sinabi rin ng NBI na iiniimbestigahan na rin ang mga asawa ng mga suspek.
“Hindi sagot sa kahirapan yung aalipustahin mo, babuyin mo yung mga anak mo,” ayon kay Santiago.
More Stories
2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25
DOPPELGANGER NI ALICE GUO, HUMARAP SA NBI
BAGYONG FERDIE PUMASOK SA PAR