December 24, 2024

MAKAKALIWA, BUWAGIN SA PAARALAN

Naglabas ng pahayag ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ni Spokesperson Michael Poa na mayroong labing-anim (16) na paaralan sa Kamaynilaan ang umano’y sangkot sa recruitment activities ng New People’s Army.

Sa pagbubunyag na ito ay tinukoy na pawang mga pampublikong paalaran ang mga ito na hindi na niya pinangalanan. Ito ay kanyang inilahad noong ika-apat ng Setyembre kasabay ng budget hearing sa Senado.

Sa patuloy na pag-iral ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ating kapuluan, kapansin-pansin ang patuloy at patagong pagrerekrut at panghihimok nitong makakaliwang grupo sa ating mga kabataan.

Bagaman patuloy ang mahigpit na pagpapatupad nito ay nagagawang makalusot pa rin ang mga naglalakas loob. Subalit hindi dapat na masira ang kinabukasan ng susunod na henerasyon sapagkat dapat ay lingid sa ating kaalaman na wala pa namang napapatuyanan ang CPP-NPA-NDF sa ating lipunan kundi pawang karahasan, esktorsyon, rally, trafficking, korapsyon at pang aalipin.

Hindi natin dapat ipagpabahala ang balitang ito sapagkat maaaring hindi lamang sa Kamaynilaan ito nangyayari. Katuwang ang ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas, matatag ang pagpapatuloy ng kanilang programa upang sila ay masugpo. Nariyan ang mga leksyon at seminar na magbibigay ng pagkakataon upang magbigay kaliwanagan sa isip hindi lamang ng ating mga mag-aaral kundi pati na ng mga residente sa ating pamayanan.

Bagaman kapansin-pansin ang unti-unting pagbagsak ng CPP-NPA-NDF mula ng maitatag ang NTF-ELCAC, sila ay nagpupumilit na bumangon at ipagpatuloy ang makakaliwang ideyolohiyang kanilang pinanghahawakan. Hindi dapat tayo tumigil sa halip ay lalong maghigpit upang tuluyan na silang masugpo.  Bilang kabilang tayo sa lebel ng ordinaryong mamamayan, may magagawa tayo. Parati itong nababanggit at napaka ensensyal ang ideya na umpisahan natin sa tahanan. Ingatan natin at pangalagaan ang marupok na kaisipan ng ating mga anak at bigyan sila ng kaalaman sa kung ano ang maaari nilang sapitin oras na sumama sila sa makakaliwang grupo.

Nasa ating mga kamay ang kaunlaran at kapayapaan na nais nating makamit. Bagaman gasgas na sa ating pandinig, tunay na ang kabataan ang pag asa ng ating bayan. Ingatan at bantayan natin sila upang hindi sila maligaw ng landas bagkus ay maging bahagi sila sa pag-unlad ng ating lipunan. (HUKBONG HIMPAPAWID NG PILIPINAS)