May 15, 2024

Kelot na nasita sa city ordinance, arestado sa boga

BAGSAK sa kulungan ang isang drug group member at kanyang kasabwat matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek na sina si Marlon Torcuator alyas “Nono/Negro”, 43, miyembro ng “Alvin Velasco Drug Group”, residente ng Independence St, Gen T. De Leon, at Raymundo Ceis Jr, 56, ng P. De Guzman St. Parada.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas sa Malabon, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-9:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemenet Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Joel Madregalejo ng buy bust operation kontra kay Torcuator.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P300 halaga ng shabu at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama si Ceis sa L. Bernardino St.,  Brgy. Gen. T De Leon.

Ani PSSg Carlos Erasquin Jr, nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,000, P300 marked money, at P100 recovered money.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.