IBINUNYAG ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang may-ari ng construction company na minsan nang na-blacklist ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasa likod din umano ng isang firm na konektado at may kinalaman sa joint venture ng South Korean Miru System, ang nanalong supplier ng technology at paraphernalia para sa halalan 2025.
Matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-alkalde sa Commission on Elections office kahapon (Setyembre 5), ibinahagi ni Sotto sa mga reporter ang ebidensiya na kanyang nakalap na iisa lamang ang St. Timothy Construction Company (STCC) at St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation, kaya kailangang bantayan ang mga galaw nila partikular sa eleksiyon.
Iisa anila ang office address ng STCC at St. Gerrard at ang presidente nitong si Miguel Ventura na marketing director din ng St. Gerrard ay kahina-hinala kung saan nanggaling ang P888 milyon na subscribe shares nito sa STCC.
“Sino po si Miguel Ventura? Ayon po sa kanyang Facebook profile bago niya i-delete. Siya po ay empleyado ng St. Gerrard Construction. In fact, he is a marketing director ng St. Gerrard. Ngayon, marketing director nila, saan po nakakuha ng P888 million pesos para sa subscribe shares niya sa St. Timothy Constructions? It doesn’t make sense,” paliwanag ni Mayor Sotto.
Dagdag niya, kahit hindi na bahagi ang STCC sa joint venture ng Comelec at Miru Systems, kailangan pa rin siguraduhin ang integridad ng eleksiyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA